Bahay ng mag-asawa, pinaulanan ng bala

Share this information:

LAGUNA-Pinaulanan ng bala ng dalawang di kilalang mga kalalakihan  ang bahay ng isang mag-asawa kagabi  sa bayan ng Magdalena, Laguna.

Nagtamo ng sugat sa  kaliwang siko si Renato Batralo y Oriel, 31 anyos, habang ligtas naman ang asawa nito na ayaw na magpabanggit ng pangalan.

Ayon sa salaysay, bandang alas 10:25 ng gabi nitong Enero 28 habang nasa loob ng bahay ang mag-asawa ay may dalawang kalalakihan ang bigla na lamang pinagbabaril ang kanilang bahay sa Barangay Baanan, Magdalena.

Tumawag ang isang concerned citizen sa  Magdalena MPS upang iulat ang nasabing pangyayari at ng beripikahin ng pulisya dito natagpuan ang biktimang nakadapa sa loob ng bahay .

May tama ng bala ng baril sa kaliwang siko si Batralo.

Agad na dinala ito sa Majayjay Medicare Center sa Laguna Provincial Hospital pati ang kanyang misis.

Sa ngayon ay nasa maayos na kundisyon na ang mag-asawa habang patuloy na nagiimbestiga naman na  ang pulisya sa  motibo ng mga suspek sa nasabing pamamaril sa mag-asawa.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

DOH launches Phase 2 of Measles-Polio vaccination in Cavite

Fri Jan 29 , 2021
The Department of Health (DOH), together with the local government unit of Cavite, today launched Phase 2 of the Measles-Rubella and Oral Polio Vaccine Supplemental Immunization Activity (MR OPV SIA) at the city health office of the City of General Trias, Cavite. Phase 2 will start on February 1-28, 2021 […]

Follow Us

%d bloggers like this: