Pagkain, pag-inom sa loob ng sinehan, bawal pa – DOH

Share this information:

Nilinaw ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na ipagbabawal ang pagkain at pag-inom sa loob ng mga sinehan upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19. 

Ito ay kasunod ng desisyon ng Inter Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases na payagan ang pagbubukas ng mga sinehan sa nga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ). 

Ayon kay Duque, maglalabas ng guidelines ang Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Labor and Employment (DOLE) hinggil sa pagbubukas ng mga sinehan. 

“Kailangan talaga massive yung filtering capacity ng sinehan para talagang malinis na malinis yung hangin… May mga ibang sakit din na puwedeng maibsan,”  ani Duque. 

Dagdag pa ni Duque, maayos na ventilation at air filter lang ang kailangan at tiyak na ligtas na ang pagbubukas ng mga sinehan. 

Sumangguni na rin umano ang DOH sa mga epidemiologists  upang mailatag ang ventilation requirements. 

Samantala, mahigpit namang tinutulan ng mga Metro Manila mayors ang pagbubukas ng mga sinehan. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Elongation test of Bustos Dam's rubber gates failed

Mon Feb 15 , 2021
MAIN PHOTO: Bulacan Governor Daniel Fernando (inset) personally inspects the “defective” rubber gate of Bay 5 of Bustos Dam Bulacan Governor Daniel Fernando announced yesterday that foreign engineers from China are scheduled to conduct an inspection at the Bustos Dam in connection with the ongoing rehabilitation here after one of […]

Follow Us

%d bloggers like this: