Bagong BOC chief, pormal nang naupo 

Share this information:

PORMAL nang umupo si Commissioner Yogi Filemon Ruiz bilang pinuno ng Bureau of Customs (BOC) kasunod ng turnover ceremony sa Customs head office sa Port Area, Manila ngayong Lunes, Hulyo 25, 2022. 

Nanumpa si Ruiz sa harap ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa Palasyo ng Malacañan noong Hulyo 20, 2022 bilang Acting Commissioner ng BOC.

Bago ang kanyang pagkakatalaga bilang Customs Chief, si Ruiz ay ang pinuno ng Enforcement and Security Service (ESS) ng BOC ng halos limang taon simula 2017. 

Bilang director ng ESS, pinangunahan niya ang ilang proyekto sa pagpapatupad at pinangasiwaan ang mga operasyon na malaki ang naiambag sa pinaigting na kampanya laban sa smuggling ng BOC. 

Ang bagong Customs Chief ay nagsilbi rin sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) bilang Regional Director ng Central Visayas kung saan pinamunuan niya ang mga kampanya laban sa ilegal na droga.

Sa isang talumpati sa turnover ceremony, binigyang-diin ni Ruiz ang kanyang pitong pangunahing programa.

1. Zero tolerance para sa drug smugglers.
2. Pigilan ang gun smuggling
3. Alisin ang  agricultural smuggling
4. Madagdagan ang revenue generation
5. Fully digitalize Customs processes; 
6. Madagdagan ang morale sa mga empleyado at ;
7. Mawala ang korapsiyon.

Ang mga nasabing prayoridad ay alinsunod sa mission order na ibinigay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa bagong hepe ng BOC.

Pinasalamatan din ni Ruiz si dating customs chief Leonardo Guerrero para sa pagpapatupad ng mas kinakailangang reporna sa kagawaran, ang historical legacy na ngayon ay kanyang ipagpapatuloy.

Nangako ang bagong komisyuner na  “ipagpapatuloy niya ang mabuting pamamahala at ipoproseso ang mga repormang nasimulan.”

Samantala, binati at tinanggap ni outgoing Commissioner Guerrero si Ruiz, na ayon sa kanya ay “isang public servant na may track record of accomplishments na tiyak na magdadala ng bagong enerhiya sa Bureau.”

Being part of the organization for several years now, you have the advantage of hitting the ground running, so to speak, and a familiarity with the ins and outs that will serve you in good stead as you steward our institution towards mission accomplishment,” sabi ni Guerrero sa incoming Commissioner.

Nagpahayag din si Guerrero ng kanyang pasasalamat sa mga kawani sa BOC para sa hard work, kooperasyon at commitment na kanilang ibinigay sa kanyang panunungkulan.

 “It has been my privilege and honor to have stood together with you throughout the last four years, amidst the toughest tests and the COVID-19 pandemic. You have made it possible for the Bureau to transform and to achieve, with solid results and a revitalized service ethic that benefits our stakeholders and partners,” pahayag pa ng outgoing Commissioner.

Ang turnover ceremony ay pinangunahan ni Undersecretary Antonette Tionko na dinaluhan ng mga opisyal ng BOC.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.