Bading, kulong sa 3 beses na pangmomolestiya sa binata

Diretso sa kulungan ang isang bading matapos i-reklamo ng tatlong beses na pangmomolestiya sa isang binata sa Malabon City.

Nahaharap sa tatlong kaso ng Acts of Lasciviousness ang suspek na kinilalang si Joey Uñamayor, 45, ng 25 Roque St. Brgy. Tonsuya.

Sa report nina police investigator PMSg Julius Mabasa at PSSg Jose Romeo Germinal kay Malabon police chief Col. Angela Rejano, dakong 10 ng gabi noong November 22, 2020 nang unang maganap ang pangmomolestiya ng suspek sa biktima na itinago sa pangalang “Roger,” 21, dishwasher ng Brgy. San Jose, Navotas City.

Nabatid na natutulog ang biktima sa loob ng bahay ng suspek nang sapilitang binaba ng bading ang short ng binata saka pinagbantaan bago isinagawa ang pangmomolestiya.                   

Ang naturang insidente ay nasundan pa noong November 28, bandang 10 ng gabi at ang pinakahuli ay nitong December 12, dakong 2 ng madaling araw.                 

Dahil hindi na umano masikmura ng biktima ang ginagawa sa kanya ng suspek ay humingi na siya ng tulong sa mga barangay tanod na nagresulta sa pagkakaaresto kay Uñamayor.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.