Digital governance award, nasungkit ng Taytay LGU

Share this information:

Kinilala ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang husay ng Taytay local government makaraang masungkit nito ang isa sa pinakamataas na antas sa larangan ng “digital governance.”

Bukod sa DILG, tumanggap din ng papuri si Taytay Mayor Joric Gacula mula sa National ICT Confederation of the Philippines (NICP) at Department of Information and Communications Technology (DICT) makaraang mapasama ito sa talaan ng “Best in LGU Processes (G2I) Award.”

Ang Digital Governance Awards (DGA) ay isang taunang tagisan ng husay ng mga local na pamahalaan sa larangan ng e-governance o yaong paggamit ng information technology para sa mas mabilis at sistematikong pamamahala.

“We commend Taytay LGU for helping stimulate e-Governance seen to enable LGUs to become catalysts of change,” saad ng isang pinagsamang pahayag ng DILG at DICT makaraang i-anunsiyo ang mga nagwaging local government unit.

Makaraang masungkit ng Taytay ang pagkilala, pinasalamatan naman ni Gacula ang DILG, DICT at mga katuwang sa LGU na aniya’y naging gabay nila para sa epektibong pamamahala gamit ang information and communications technology sa iba’t ibang aspeto ng pamamahala at serbisyo publiko.

“Hindi natin masusungkit ang pagkilalang ito kundi sa gabay ng DILG at DICT, gayundin ang sipag at sigasig ng ating mga katuwang sa lokal na pamahalaan,” ani Gacula, kasabay ng pagtitiyak na lalo pa nilang paghuhusayan ang kanilang trabaho upang mas marami pang matulungan ng kanilang LGU. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.