Mga hinihinalang biktima ng cryptocurrency trafficking, naharang ng BI sa Clark Airport

Share this information:

NAHARANG ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Clark International Airport (CIA) ang anim na hinihinalang biktima ng cryptocurrency trafficking ring.

Sa ulat ni BI Commissioner Norman Tansingco, nakatakda sanang sumakay ng Jetstar flight patungong Phnom Penh noong Linggo ang anim na biktima nang mabuking ng mga immigration officer.

Nagpanggap ang mga pasahero na magkakakilala pero hindi naman maipaliwanag kung paano sila naging magkakilala.

Iniimbestigahan na ng BI ang mga pasahero na nagpakita rin ng pekeng return tickets ng kanilang pagbabalik sa bansa.

Eventually, they admitted that they will be working in a call center in Cambodia and were recruited through Facebook.  They also presented fake return tickets,” ayon pa sa BI.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.