Ayuda mula sa SAP, tiniyak ng DSWD

Share this information:

TINIYAK ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na  makukuha pa rin ang ayuda mula sa  Social Amelioration Program (SAP) kahit na sinimulan na ang pamimigay ng bagong ayuda na ibinaba naman sa mga lokal na pamahalaan. 

Sinabi ni Irene Dumlao , tagapagsalita ng DSWD, na ang  budget ay nairelease na sa mga local government units na siyang pangunahing mangangasiwa sa pagbibigay ng ayuda para sa mga naapektuhan ng ikalawang round ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa NCR Plus bubble areas – ang Metro Manila, Cavite, Laguna, Rizal at Bulacan. 

Aniya, ang nga benericiaries na hindi pa nakakakuha ng 2nd tranche ng SAP ay makakakuha pa din. 

Ang listahan  na mula sa DSWD  ay maaari lamang gawing basehan ng mga LGU subalit ang pinal na desisyon ay magmumula pa rin sa LGUs. 

Paliwanag pa ni Dumlao,  bawat LGU ay kailangan magpaskil ng listahan ng mga benepisyaryo at magtalaga ng Grievance and Appeal.Committee kung saan pwedeng magreklamo ang isang tao na hindi mabibigyan ng ayuda. 

Idinaan umano sa LGUs ang pamamahagi ng ayuda upang mas mabilis itong maipaabot sa mga benepisyaryo.  

Gayunman, ang DSWD at Department of the Interior and Local Government (DILG) ay patuloy na magmomonitor at mag iinspeksyon upang matiyak na maayos na maipapamahagi ang ayuda. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.