Apat na miyembro ng pamilya sa Bacolod, minasaker

Share this information:

APAT na miyembro ng isang pamilya ang natagpuang patay sa loob mismo ng kanilang tahanan sa Bacolod City.

Ayon kay Western Visayas Police Regional Office spokesman Lt. Col. Joem Javier Malong, nasa state of decomposition na ang mga bangkay ng mag-pamilya nang madiskubre ng mga awtoridad sa kanilang bahay sa Gardenville Subdivision sa Barangay Tangub kahapon ng umaga.

Isa sa mga biktima ay batang babae.

Sinabi ni Malong na nakatanggap ng tawag ang pulisya pasado alas 10 ng umaga mula sa isang Jonah delos Santos na taga roon din sa nabanggit na subdibisyon.

Nagtataka umano ang kakilala ni Jona na si Jonel Nombre kung bakit walang sumasagot sa kanyang mga tawag.

Dito na nadiskubre na patay na ang lahat ng nasa bahay at may nakitang mga marka ng hampas sa ulo ang mga biktima. Patuloy pa ang isinasagawang masusing pagsisiyasat ng Bacolod City Police Office (BCPO) kaugnay ng karumal dumal na masaker.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

SBMA opens help desk for displaced workers

Wed Apr 7 , 2021
THE Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) has launched an information and support system to help displaced workers in the Subic Bay Freeport Zone (SBFZ) and nearby areas find new jobs or develop new skills to gain re-employment. The SBMA help desk, which is manned by personnel of the SBMA Labor […]

Follow Us

%d bloggers like this: