Away sa lupa: 3 patay sa pananaga ng kaanak sa CamSur

Patay sa pananaga ang tatlongmagkakamag-anak sa bayan ng San Fernando, sa Camarines Sur.

Ang mga suspek sa krimen, mag-amang kamag-anak din mismo ng mga biktima.

Lumalabas sa imbestigasyon ngSan Fernando Municipal Police, Disyembre 5, araw ng Sabado ng mangyari ang insidente, kung saan nagkaroon muna ng mainit na diskusyon patungkolsa paghahanda sa pagtatanim ang mag-amang Lauro Rentorya, 62 anyos, at Larry, 39.

Kalaunan ay nauwi na ang pagtatalo sa bangayan at tagaan ng itak.

Isinugod si Lauro sa ospital dahil sa mga natamong sugat pero binawian ng buhay ang mga kaanak niyang nakilalang sina Miral, Alexander at Noel Rentorya na nakikihati rin sa lupa.

Pinaghahanap pa si Larry na nagmamadaling tumakas matapos ang krimen habang patuloy na iniimbestigahan ang masaker.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.