House Deputy Speaker Benny Abante, nag-positibo sa COVID-19

KABILANG na din sa mga nag-positibo sa COVID-19 si House Deputy Speaker Benny Abante.

Sinabi ng 70-taong gulang na si Abante sa isang pahayag na ngayong umaga ay natanggap niya ang resulta ng pagsusuri, at lumabas na kumpirmadong tinamaan siya ng sakit.

Nakipag-ugnayan na rin umano siya sa lahat ng mga close contact o mga nakasalamuha noong mga nakalipas na araw at nasabihan na rin sa naging resulta ng COVID-19 test at pinayuhan na mag-self quarantine o i-monitor ang mga sarili sa mga sintomas.

Ito ang ikalawang pagkakataon na tinamaan ng COVID-19 si Abante, na sa kasalukuyan ay nakararanas ng pananakit ng katawan.

Fully vaccinated naman siya at nakatanggap na ng booster shot, na nakatulong sa kanya mula sa dalawang beses na COVID-19 infection.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.