Breaking News

Share this information:

NAGSAMPA noong Martes si Senator Manny Pacquiao ng P100-million na reklamo ng cyberlibel laban kay Pastor Apollo Quiboloy sa Makati City Prosecutor’s Office. 

Sinabi ni Pacquiao sa kanyang 13-page complaint na dapat siyang bayaran ni Quiboloy ng P100 milyon bilang danyos kasama ang bayad sa abogado, dahil sa paggamit nito ng kapangyarihan at impluwensiya upang magpakalat ng fake news at maling impormasyon.

Sinabi ni Pacquiao sa kanyang reklamo na “He (Quiboloy) used this deliberate falsehood to brainwash the minds of the Filipino public, recklessly propagating lies to blacken the image and reputation of an honest public servant. He even had the audacity to quote the Holy Scripture in furtherance of his lies, misleading his flock, and confusing the public, with the end in view of blackening another’s reputation,” 

Dagdag niya pa “His statements, as outlined below, are far from hallow. They are criminal in nature and cannot go unpunished.”

Nag-ugat ang reklamo na ito mula sa isang palabas sa telebisyon at post sa social media na di umano’y ginawa ni Quiboloy, na kung saan sinabi nitong ginamit ni Pacquiao ang pampublikong pondo para sa pagpapatayo ng Sarangani Sports Training Center na hindi naman natapos.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: