Mga ‘close contacts’ ng ilang Pinay OFW na nagpositibo sa Sars-Cov2, sumailalim na sa pagsusuri

INIHAYAG ng Department of Health (DOH) na isinailalim na sa RT PCR test ang mga close contacts ng Pinay Overseas Filipino Worker (OFW) na nagpositibo sa UK Variant ng covid 19.

Ayon kay DOH Spokesman Ma Rosario Vergeire, natukoy na ang nga close contacts ng 30 anyos na Pinay at kasalukuyang sumasailalim sa quarantine.

“In Solano, Cagayan Valley kung saan siya nanggaling, atin na pong na-coordinate na… Napuntahan na po itong close contacts at nakuhanan na po ng swab for RT-PCR at ito pong specimen din for genome sequencing ay nagawa na. Naipadala na po itong specimen na ito sa Philippine Genome Center,” ani Vergeire.

Bukod dito, tinunton din ng DOH ang mga nakasalamuha ng nasabing Pinay sa manning agency.

Nauna rito, sa Hong Kong na nadiskubre na positibo sa covid 19 UK variant ang Pinay.

Umalis sa bansa ang Pinay noong Disyembre 22 at Enero 2 na nang magpositibo sa covid 19.

Hinala ng DOH, sa Hong Kong nakuha ng Pinay ang sakit at wala pang kumpirmadong kaso ng UK variant covid 19 sa bansa.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.