Breaking News

Share this information:

INILABAS na ng Department of Health (DOH) ang listahan ng mga comorbidities para sa mga pediatric groups na babakunahan sa pilot implementation na magsisimula sa Oktubre 15.

Ayon kay DOH spokesperson Usec. Maria Rosario Vergeire, kabilang rito ang mga sakit na:

1. Medical Complexity

2. Genetic conditions

3. Neurologic conditions 

4. Metabolic/ endocrine

5. Cardiovascular disease

6. Obesity

7. HIV infection

8. Tuberculosis

9. Chronic respiratory disease

10. Renal disorders

11. Hepatobiliary

Paliwanag ni Vergeire, may major pre-requisite sa mga batang kasama sa mga babakunan sa pilot implementation gaya nang consent ng magulang  na dapat pipirma sa dokumento, may clearance mula sa doktor at may assent ang batang babakunahan.

Ang pilot implementation ay gagawin sa tatlong ospital tulad ng Philippine General Hospital (PGH) sa Maynila, sa Philippine Heart Center (PHC) at National Children’s Hospital (NCH) sa Quezon City.

Ayon kay Vergeire, maliban sa tatlong unang nabanggit na ospital ay hindi pa maaaring ilabas ang pangalan ng iba pang ospital kung saan gagawin ang pilot implementation ng pediatric vaccination dahil may proseso o kasunduan pa sa naturang mga ospital na dapat gawin.

Dagdag pa niya, sa ospital gagawin ang implementasyon upang mas ma-monitor ang mga kabataang babakunahan na may comorbidities.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: