Apat na most wanted persons, timbog sa Valenzuela

Share this information:

Apat na most wanted persons ang arestado sa loob lamang ng  24 oras na operation ng pulisya sa magkakahiwalay na lugar sa Valenzuela City.

Ayon kay Valenzuela City Police Warrant and Subpoena Section (WSS) chief PLt. Robin Santos, ang apat na naarestong mga suspek ay kabilang sa 10 Top Most Wanted Persons list sa lungsod.

Ani PLt. Santos, unang nadakip si Ryan Jay Baylon, 31 anyos, residente ng Upper Tibagan, Brgy. Gen. T. De Leon, ang No. 1 most wanted man sa lungsod.

Si Baylon ay inaresto ng mga operatiba ng WSS at Sub-station-2 sa pangunguna ni PLt. Anthony Campado sa bisa ng isang arrest warrant para sa kasong murder alas-11 ng gabi at walang inirekomendang piyansa.

Ilang oras ang nakalipas, nadakip naman ng mga taga WSS ang pang-walong top most wanted person ng lungsod na si Aaron De Los Reyes, 18 anyos, sa kanyang bahay sa Barangay Isla sa bisa din ng isang arrest warrant para sa kasong attempted homicide.

Timbog din ang pang limang top most wanted person ng lungsod na si Alfred Rivera, alyas “Pepeng,” 23 anyos, at si Wilfredo Rivera, alyas “Onyo,” 24 anyos, ang pang apat naman na top most wanted person din ng lungsod.

Inaresto ang dalawang Rivera ng mga operatiba ng WSS sa pangunguna ni PLt. Santos at Sub-Station-8 sa pangunguna ni PLt. Arnold  San Juan sa bisa ng arrest warrants para sa kasong robbery malapit sa kanilang bahay sa Que Grande St., Barangay Ugong.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

COVID-19 update: Back to the 12k range of new COVID-19 cases

Fri Apr 9 , 2021
The Department of Health (DOH) recorded 12,225 new COVID-19 cases today, April 9, based on its latest case bulletin. The DOH COVID-19 Case Bulletin #391 also showed a high rate of recoveries registered at 946 and also COVID-19 deaths at 401. Overall number of cases already reached 840,554, recoveries at […]

Follow Us

%d bloggers like this: