Anti-COVID pill, maaaring makuha sa Maynila

Share this information:

IPINAHAYAG ng pamahalaang lungsod ng Maynila na maaari ring makakuha ng anti-COVID drugs mula sa lungsod kahit hindi mga residente ng Maynila.

Sinabi ng pamahalaan na may sapat na suplay ng Remdesivir, Tocilizumab, Baricitinib at Molnupiravir ang lungsod na kasalukuyang kailangan dahil sa paglobo ng mga kaso ng COVID-19.

Nitong nagdaang ilang araw ay abala ang mga kawani ng pamahalaang lungsod na mamahagi ng Mulnopiravir sa mga nangangailangan dahil ito ay ang unang oral antiviral drug na sinasabing nakakabawas sa peligro ng pagkakaospital at pagkamatay ng mga may COVID ng 50 porsiyento.

Pinipigilan din nito ang mga banayad hanggang katamtamang mga kaso ng COVID-19 na mauwi sa pagiging malubha ang kondisyon ng pasyente kung ang gamot ay iniinom sa unang limang araw ng impeksyon.

Aabot sa 40,000 capsules ng Molnupiravir ang binili ng Maynila at idineliver sa Sta. Ana Hospital noong Nobyembre, ayon kay Manila Mayor Francisco Domagoso.

Ayon pa dito, may panibagong delivery ng Molnupiravir ang inaasahang darating sa katapusan ng Enero dahil sa mataas na demand para sa gamot sa gitna ng bagong surge ng mga kaso ng COVID.

Sa ating mga kababayan na naghahanap ng gamot, welcome po kayo sa Maynila.  Ang importante, mabuhay yung tao, mailigtas yung tao, kahit sino pa siya.  Sa Maynila, walang mayaman, walang middle class, walang mahirap. Lahat pantay-pantay. They can avail these medicines. Basta mabuhay lang yung tao,” ayon kay Domagoso.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Dalawang Koreanong wanted sa swindling, illegal gambling, timbog sa awtoridad

Mon Jan 10 , 2022
ARESTADO ang dalawang South Korean na mga pugante sa magkahiwalay na lugar sa Makati at Pampanga. Ayon sa Bureau of Immigration (BI), si Kang Mingyu, 56 anyos, ay naaresto ng mga operatiba ng Fugitive Search Unit (FSU) ng BI habang nagtatago sa kanyang condominium unit sa Makati City.  Ayon kay BI […]
%d bloggers like this: