Daily COVID-19 case count, posibleng nasa 40,000 na — eksperto

Share this information:

NANINIWALA ang ilang health experts na hindi “accurate” ang daily COVID-19 case count dahil posibleng nasa 40,000 na ang mga bagong kaso kada araw. 

Ayon kay Dr. Rontgene Solante, Health and Infectious Disease expert sa San Lazaro Hospital, hindi na sila nabigla na umabot ng mahigit 28,000 ang mga bagong kaso ng COVID-19 nitong Linggo.

Sinabi nitong tama ang estimate ng ilang independent group na nasa 30k-40k ang daily cases dahil hindi naman naisasama sa tala ang mga nagpositibo sa antigen test. 

Paliwanag pa ni Dr. Solante, highly transmissible ang Omicron variant at posibleng sa katapusan ng Enero makikita ang downward trend ng COVID-19 cases. 

Suportado rin ni Dr. Solante ang pagsasailalim sa Alert Level 4 ng Metro Manila upang hindi masyadong mabugbog ang health care system. 

Samantala, sa San Lazaro Hospital ay pinaninindigan na tanging mga severe COVID-19 patients lang ang tatanggapin at pinapayuhan ang mga may mild symptoms na magpunta sa quarantine facility o mag home isolation na lamang. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Anti-COVID pill, maaaring makuha sa Maynila

Mon Jan 10 , 2022
IPINAHAYAG ng pamahalaang lungsod ng Maynila na maaari ring makakuha ng anti-COVID drugs mula sa lungsod kahit hindi mga residente ng Maynila. Sinabi ng pamahalaan na may sapat na suplay ng Remdesivir, Tocilizumab, Baricitinib at Molnupiravir ang lungsod na kasalukuyang kailangan dahil sa paglobo ng mga kaso ng COVID-19. Nitong […]
%d bloggers like this: