Anti-Child Marriage Act, pirmado na ng Pangulo

Share this information:

PIRMADO na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Anti-Child Marriage Act.

Ang kopya ng Republic Act 11596 ay inlabas ng Palasyo ngayong araw makaraang magpahayag ang isang lider ng Mababang Kapulungan na nag-lapse na bilang batas ang nasabing panukala.

Ang panukala ay nilagdaan ni Duterte noong Disyembre 10, 2021.

Ayon sa batas, bawal na at ituturing na ilegal ang child marriage at papatawan ng mabigat na parusa ang sinumang mga lalabag dito.

Ang mga mangangasiwa, mag-aayos, at mangunguna sa child marriage ay mahaharap sa pagkakakulong o kaparusahang prision mayor sa medium period nito. May kaakibat din itong multa na hindi bababa sa P40,000.

Kung ang may sala naman ay magulang o guardian ng menor de edad, mahaharap sila sa maximum period ng prision mayor, at magmumulta ng hindi bababa sa P50,000. Tatanggalan din sila ng parental authority sa bata.

Para naman sa mga indibidwal na nasa tamang edad at nakikipag-live in sa mga menor de edad, kulong o maximum period ng prision mayor ang kahaharapin at magmumulta ng hindi bababa sa P50,000.

Pangungunahan ng Department of Social Welfare and Development o DSWD ang implementasyon ng batas na ito, kung saan babalangkas ng programa ang tanggapan na tutugon sa problema sa child marriage at magbibigay ng mga kinakailangang serbisyo.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

27 kawani ng DOLE, nagpositibo sa COVID-19

Thu Jan 6 , 2022
SINABI ng Department of Labor and Employment (DOLE) na nasa 27 empleyado nito ang nagpositibo sa sakit na COVID-19. Ito ang pahayag ni DOLE Assistant Secretary Dominique Tutay sa Laging Handa public briefing, at nagsabing nakakalungkot ang sitwasyon. Noong lamang Lunes, sabi ni Tutay, ay tatlong kaso lamang ang naitala, […]
%d bloggers like this: