Pagdedeklara ng “martial law” hanggang katapusan ng Enero, fake news — Lorenzana

Share this information:

FAKE news iyan!

Ito ang tawag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana tungkol sa isang kumakalat na audio message sa mga chat group, kung saan ay magdedeklara daw umano si Pangulong Rodrigo Duterte ng “martial law” o batas militar hanggang sa katapusan ng Enero.

Ayon sa kalihim, maririnig sa naturang voice message ang tinig ng isang babae at sinasabihan ang mga tao na mag-imbak na ng mga pagkain na maaaring tumagal hanggang sa katapusan ng buwan sakaling magdeklara ng Martial Law.

Samantala, mayroong Talk to the People si Pangulong Duterte ngayong Huwebes, na patungkol sa COVID-19 situation sa ating bansa.

Ito’y kasabay na rin ng pagkakatala ng mahigit sa 17,000 na mga bagong kaso ng COVID-19 ngayong araw.

Pero wala pang ibinigay na oras ang Malakanyang kung kailan mai-eere ang Talk to the People ng presidente.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Anti-Child Marriage Act, pirmado na ng Pangulo

Thu Jan 6 , 2022
PIRMADO na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Anti-Child Marriage Act. Ang kopya ng Republic Act 11596 ay inlabas ng Palasyo ngayong araw makaraang magpahayag ang isang lider ng Mababang Kapulungan na nag-lapse na bilang batas ang nasabing panukala. Ang panukala ay nilagdaan ni Duterte noong Disyembre 10, 2021. Ayon sa […]
%d bloggers like this: