Anim timbog sa P185k shabu sa Malabon

Share this information:

BAGSAK sa kulungan ang anim na hinihinalang drug personalities matapos makuhanan ng halos P.2 milyon halaga ng shabu sa ikinasang buy-bust operation ng pulisya sa magkahiwalay na lugar sa Malabon City.

Kinilala ni Malabon police chief Col. Albert Barot ang naarestong mga suspek na sina Wilber Mira alyas “Taweng,” 33 anyos, ng Caloocan City, John Paul Fernandez, 31 anyos ng San Simon Pampanga, Alfredo Co Jr. alyas “Beho,” 41 anyos ng Caloocan City at Florence Gardose, 28 anyos ng Baesa, Quezon City.

Ayon kay Col. Barot, dakong alas-10:50 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLt. Alexander Dela Cruz ng buy-bust operation sa University Ave., Brgy. Potrero kung saan isang undercover police ang nakaiskor ng P500 halaga ng droga kay Mira.

Nang tanggapin ni Mira ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba, kasama ang tatlo pang mga suspek.

Ayon kay PSSgt. Salvador Laklaken, nasamsam sa mga suspek ang sampung plastic sachets na naglalaman ng nasa 22 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P151,360 at buy-bust money.

Dakong ala-1 naman ng madaling araw nang madakma din ng mga operatiba ng SDEU si Jubert Apostol alyas “Nono,” 38 anyos at Argie Flores alyas “Ambo,” 35 anyos, sa buy-bust operation sa M.H Del Pilar, Brgy. Maysilo.

Sinabi ni PMSgt. Randy Billedo, nakuha sa mga suspek ang tinatayang nasa 5 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P34,000 at P500 buy-bust money

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.