Shabu na aabot sa P260 milyon ang halaga, nasabat sa Pampanga

Share this information:

NAREKOBER ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang kilo-kilong shabu sa Angeles City, Pampanga at Dasmariñas, Cavite kamakailan.

Aabot sa 38 kilo ang narekober na shabu na nagkakahalaga ng P260 milyon, bukod pa sa apat na kal. 45 na baril, 2 cellphones at isang weighing scale.

Ayon pa sa BOC, isinagawa ang operasyon ng PDEA kasama ang Customs Intelligence and Investigation Services (CIIS) ng BOC Manila International Container Port, Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police sa Angeles, Pampanga noong Oktubre 18.

Ayon sa BOC, posible umanong sa baybayin ng Zambales ibinabagsak ng mga sindikato ang ilegal na droga .

Ang mga bansang pinagmulan ng nasabing mga ilegal na droga ay hindi naman tinukoy ng BOC dahil sumasailalim pa sa validation ang nakuha nilang mga impormasyon.

Ang operasyong ito ay konektado rin sa Oktubre 16 na buy-bust sa Dasmariñas Cavite kung saan 240 kilo ng shabu ang nakumpiska na nagkakahalaga ng mahigit P1.6 bilyon.

(PHOTO CREDIT: Bureau of Customs)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Fri Oct 22 , 2021
New COVID-19 infections went above 5k level today THE Department of Health (DOH) logged 5,823 new COVID-19 infections today, slightly higher than yesterday’s 4,806 count, according to the DOH COVID-19 Case Bulletin issued today, October 22, 2021. This brings the total number of COVID-19 infections in the country to 2,745,889 […]
%d bloggers like this: