Breaking News

Share this information:

BAGSAK sa kulungan ang isang delivery boy matapos itong makuhanan ng shabu sa isang checkpoint sa Valenzuela City kamakalawa ng gabi.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Section 11 under Article II of R.A. 9165 ang naarestong suspek na si Louie Bacani, 27 anyos, ng No. 2397 Old Prodon, Yakal St., Brgy. Gen. T De Leon.

Sa report ni Station Drug Enforcement Unit (SDEU) investigator PCpl. Glenn De Chavez kay Valenzuela police chief Col. Ramchrisen Haveria Jr., dakong alas-6:50 ng gabi, nagsasagawa ng anti-criminality check point operation sa harap ng Sea Oil Gasoline Station Karuhatan Road, Brgy. Karuhatan ang mga tauhan ng Sub-Station 9 sa pangunguna ni PLt. Francisco Tanagan nang parahin nila ang suspek na sakay ng motorsiklo.

Nang hingin ang kanyang driver’s license para sa beripikasyon ay nakita ni PCpl. Raheb Usman sa nakabukas na belt bag ng suspek ang isang transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu na naging dahilan upang arestuhin ito ni PSSgt. Chester Montana.

Nang kapkapan, nakuha pa sa suspek ang dalawang plastic sachet ng hinihinalang shabu kung saan narekober din sa kanya ang isang Honda motorcycle na walang plaka, belt bag, cellphone at driver’s license.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: