Amerikanong wanted dahil sa pedophilia, laglag sa mga ahente ng BI

Share this information:

ARESTADO ng mga tauhan Bureau of Immigration (BI) ang isang American pedophile na wanted sa kanilang bansa dahil sa krimen laban sa mga menor de edad.

Kinilala ni BI OIC Commissioner Rogelio Gevero, Jr. ang pugante na si Tye Braxton Stiger, 35 anyos, na naaresto ng mga operatiba mula sa BI Fugitive Search Unit (FSU) sa kahabaan ng Diego Cera Avenue, Las Pinas City noong Sabado.

Alinsunod ito sa Mission Order ng BI sa FSU na nag-aatas na kanilang dakpin si Stiger matapos makatanggap ng impormasyon mula sa mga awtoridad sa US hinggil sa krimen.

Sa record, si Stiger ay may outstanding warrant of arrest na inisyu ng noong July ngayong taon, 35 counts ng child pornography-related charges sa paglabag sa Michigan Compiled Laws.

Sinasabi ring nagboboluntaryo bilang school teacher tuwing Linggo sa simbahan sa komunidad sa Michigan kung saan siya nambibiktima ng mga menor-de-edad na nasa anim na taong gulang lamang.

Siya ay iniulat na kinasuhan ng maraming bilang ng aktibidad na pang-aabusong sekswal at pagkakaroon ng materyal na pang-aabusong sekswal sa bata, bukod sa iba pang mga pagkakasala laban sa kanyang mga biktima.

Mahigit sa isang dosenang mga video ng mga hidden cameras sa iba’t ibang lokasyon upang i-record ang mga menor de edad na bata ang sinasabing nasamsam ng mga awtoridad.

Arresting these criminals has always been a priority of our agency, and getting another predator off our streets means we are protecting our kababayan from harm,” sabi ni Gevero.

Ang BI, kasama ang Department of Justice (DOJ(, ay nagpahayag ng kanilang pangako na unahin ang pagpapatapon sa mga alien sex offenders.

Nauna nang inatasan ni DOJ Secretary Jesus Crispin Remulla ang BI na maging mapagbantay laban sa mga dayuhang pedophile at tiyakin ang kanilang agarang pagdakip at pagpapatapon.

Sa unang bahagi ng buwang ito, nakipagpulong ang kalihim sa mga awtoridad ng US upang talakayin ang pagpapahusay ng kooperasyon sa paglaban sa mga cybercrime, na kinabibilangan ng online sexual abuse sa kababaihan at mga bata.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.