Bureau of Immigration, nakakolekta ng P5.9B sa kabila ng pandemya

Share this information:

SA kabila ng naranasang pandemya, ipinagmalaki ng Bureau of Immigration (BI) na nakakolekta pa rin ito ng P5.9 bilyon noong nakaraang taon.

Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na ang kabuuang kinita nila noong 2020 mula sa mga immigration fee ay P5.88 bilyon, o 36.1-porsiyento na mas mababa kumpara sa P9.3 bilyon noong taon 2019.

“We anticipated our revenues to decrease due to the pandemic,” sabi ni Morente.  “With more foreign nationals going out of the country than going in, we were able to collect less revenue from visa applications,” ayon sa Commissioner.

Ipinaliwanag ng BI Chief na ang mga transaksiyon ay sinuspinde ng halos dalawang buwan dahil sa lockdown noong Marso ng nakaraang taon.

Pero inaasahan ni Morente na ang kanilang koleksiyon ay makakabawi ngayon taon habang hinihintay ang COVID-19 vaccine  at kung tatanggalin na ang mga travel restriction.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Palace to vendors: End pork holiday

Mon Feb 8 , 2021
MALACAÑANG promised to extend financial aid to meat vendors provided that they end the pork holiday, an option they took to avoid going bankrupt amid the price freeze imposed by the government. In a press briefing, presidential spokesperson Harry Roque said that while the government has supported calls urging the […]

Follow Us

%d bloggers like this: