Aktor na si Vhong Navarro, inilipat na ng kulungan

INIALIS na sa kustodiya ng National Bureau of Investigation (NBI) ang actor na si Vhong Navarro kahapon at inilipat na sa Taguig City Jail – Mail Dormitory, sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.

Ang Taguig City Jail ay nasa ilalim ng pamamahala ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Ang ginawang paglilipat ng kulungan sa aktor ay ginanap matapos itong hilingin ng Taguig Regional Trial Court Branch 69 sa NBI-Security Management Section (NBI-SMS) noong Nobyembre 21.

Ngunit sumailalim pa rin sa ilang mga medical examination ang aktor tulad ng RT-PCR test, alinsunod sa  health protocol requirements bago ang kanyang paglilipat sa Taguig City Jail.

Kahapon ng umaga ay ineskortan ng mga ahente ng NBI si Navarro mula sa NBI Detention Center patungong Taguig City Jail.

Nakulong si Navarro sa kasong rape na isinampa laban sa kanya ng modelo na si Denice Cornejo.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.