Aktor na si Vhong Navarro, ililipat na sa Taguig City Jail — NBI

Share this information:

NAKATAKDA nang ilipat sa kustodiya ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang aktor na si Vhong Navarro.

Ito ang kinumpirma ng National Bureau of Investigation (NBI) ngayong Miyerkules.

Ayon sa NBI-Security Management Section (NBI-SMS) nakatanggap na ito ng order nitong Nobyembre 14 mula sa Regional Trial Court Branch 69.

Ang naturang kautusan ay para ilipat na ng kulungan ang aktor mula sa kustodiya ng NBI patungo sa BJMP sa Taguig City Jail – Male Dormitory, Camp Bagong Diwa, Taguig City.

Isasailalim si Navarro sa mandatory medical examination, kasama ang RT-PCR test, alinsunod sa  health protocol requirements bago ang kanyang paglilipat sa BJMP sa Taguig City.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.