ACMs, darating sa katapusan ng buwan para sa final testing

UMAASA ang Commission on Elections (Comelec) na makukumpleto na ang delivery ng mga balota at automated counting machines o ACMs para sa May 2025 midterm elections sa darating na Abril 30 at Mayo 1.

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, ito ay para sa pagsasagawa ng final testing at sealing.

Ayon kay Garcia, dapat ay nasa opisina na ng mga treasurer ang mga balota at ang mga makina ay dapat nasa mga guro na pagdating ng Mayo 1.

Sinabi ni Garcia na ang final testing at sealing ay gagawin mula Mayo 2 hanggang Mayo 8. Ipinaliwanag nito na ang mga guro na magsisilbi bilang mga miyembro ng electoral board (EB) ay susuriin ang ACM at opisyal na mga balota sa 10 rehistradong botante sa bawat polling precinct.

Dagdag pa ni Garcia na ang 10 botante ay maaaring bumoto bilang bahagi ng testing.

Ayon sa kanya, ito ay upang alamin kung gumagana ang mga makina ng tama at kung tama ang bilang sa harap ng lahat.

Pagkatapos ng final testing at sealing, ang mga ACM ay seselyuhan at itatabi sa mga polling precinct.

Ang mga makina naman ay babantayan ng mga miyembro ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.