Retired CA justice, sinampahan na ng kasong “gross misconduct”

PORMAL nang sinampahan ng kasong “gross misconduct” ang isang retiradong justice ng Court of Appeals dahil sa di-umano ay pagkakasangkot nito sa isang krimen.

Ayon sa Korte Suprema, kinasuhan na si retired Court of Appeals Justice Isaias Dicdican kaugnay sa umano’y pagkakasangkot niya sa kasong pagpatay kay Atty. Joey Luis Wee noong Nobyembre 2020 sa Cebu City.

Inendorso na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kaso sa Cebu City Prosecutors Office, ayon kay Court Administrator Raul Villanueva.

Samantala, pinaboran din ng Korte Suprema na magdaos ng mga bingo game ang tatlong barangay sa Baguio City bilang bahagi ng proyektong fundraising ng mga ito.

Sa botong 11-4, pinagtibay ng SC na hindi kailangan ng barangay na kumuha ng permit mula sa Philippine Amusement and Gaming Corp. o PAGCOR o alinmang ahensya, dahil ito ay sakop ng kanilang lokal na awtonomiya.

Ayon sa Korte Suprema, ang buong desisyon ay ilalathala sa SC website sa mga susunod na araw at bukas sa publiko.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.