70-porsiyentong kapasidad ng pasahero sa mga barko, kinumpirma ng MARINA

KINUMPIRMA na ng Maritime Industry Authority (MARINA) na itinaas na rin sa 70 porsiyento ang pinapayagang bilang ng mga pasahero sa mga barko.

Mula ito sa dating 50 porsiyentong kapasidad ng mga barko na pinapayagan noon.

Sinabi ni MARINA Administrator Vice Admiral Robert Empedrad na ito ay base sa panuntunan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF).

Tiniyak naman ni Empedrad na paiiralin pa rin ng mahigpit ang patakaran pagdating sa minimum health standards upang maiwasan ang pagkalat ng sakit sa mga barko.

Makatutulong rin ito para unti-unting makabawi na ang mga kumpanya ng mga ferry at maparami na rin ang mga makabibiyahe patungo sa iba’t ibang panig ng bansa.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.