100 pampublikong paaralan, handa na sa face-to-face classes sa Nobyembre 15

NAKAHANDA na ang 100 na pampublikong paaralan na lalahok sa face to face classes na magsisimula sa Nobyembre 15, 2021.

Ayon kay Department of Education (DepEd) Assistant Secretary Malcom Garma, kasama sa pinal na listahan ng mga pampublikong paaralan na magsasagawa ng face to face classes ang:

  • 10 paaralan sa Region 1
  • 10 paaralan sa Region 3
  • 5 paaralan sa Region 4a
  • 9 na paaralan sa Region 5
  • 3 paaralan sa Region 6
  • 8 paaralan sa Region 7
  • 10 paaralan sa Region 8
  • 8 paaralan sa Region 9
  • 10 paaralan sa Region 10
  • 8 paaralan sa Region 11
  • 5 paaralan sa Region 12 at
  • 14 paaralan sa Region 13

Dagdag pa ni Garma na nakapagsumite na umano ng implementation plan ang lahat ng paaralan at tapos na sa ocular inspection.

Pumasa rin ang mga paaralan sa school safety assessment at nabakunahan na ang lahat ng mga guro na magtuturo.

Gayunman, may 4 na paaralan ang napalitan dahil sa pag-atras ng local government unit at hindi pagiging kwalipikado.

Samantala, sinabi ni Garma na tinutukoy pa nila ang mga pribadong paaralan na lalahok din sa face-to-face classes pero may inisyal na umano silang 30 nominado.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.