SPD nangibabaw sa awards ng NCRPO

HUMAKOT ng maraming parangal na awards sa National Capital Region Police Office (NCRPO)  ang Southern Police District (SPD) bilang pinakamahusay na distrito ng pulisya sa buong Metro Manila sa nakalipas na PNP day 2026.

Ginanap sa Hinirang Hall, Camp Bagong Diwa, Taguig City ang parangal sa PNP Day 2026 at sa ilalim ng patnubay ni P/Major Gen. Anthony Aberin, Regional Director ng NCRPO.

Sa ilalim ng pamumuno ni P/Brig.Gen. Randy Arceo , District Director, napanatili ng SPD ang mga operasyon at pinalakas ang mga sistema ng pamamahala, na nagresulta sa pare-parehong pagganap sa buong distrito.

Kinilala ang Pateros Municipal Police Station bilang Best Municipal Police Station, ang Muntinlupa City Police Station bilang Best City Police Station, at ang District Mobile Force Battalion (DMFB) bilang Best District Mobile Force Battalion para sa kahandaan sa operasyon at espesyalisasyon ng pagpupulis. 

Pinarangalan naman ang NUP Jenny Rose C. Caole bilang Best NUP Non-Supervisory Level para sa kanyang dedikasyon at propesyonalismo.

Binigyan diin ni Arceo na ang mga parangal ay sumasalamin sa disiplina, pananagutan at pagtutulungan ng lahat ng operatiba ng SPD ang pangako ng distrito na ipatupad ang batas at dapat pangalagaan ang kaligtasan ng publiko at tiwala ng komunidad.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.