PINABULAANAN ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Catapang ang mga ulat na ipinadala sa media kaugnay sa sinasabing VIP treatment kay Alice Guo sa Correctional Institution for Women (CIW) .
Ayon kay Catapang nitong Huwebes, nasa 5-araw na mandatory quarantine si Guo mula nang ilipat sa CIW mula sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) noong gabi ng Disyembre 6.
Sinabi naman ni CIW Chief Superintendent Marjorie Ann Sanidad ay sumasailalim sa parehong mga regulasyon at paghihigpit, na walang mga espesyal na pribilehiyo.
Sa rekord ng CIW, tanging ang kanyang mga abogado na sina Atty. Nicole Jamilla mula Disyembre 6-9 , Atty. Romar Cambri noong Dis. 8 at Atty. Marc Lester Mamuri at Atty. Cheska Mhey Dela Paz noong Dis. 10.
Walang katotohanan na may gamit na cellphone si Guo na bawal sa sinumang bilanggo,ayon ka Sanidad maging sa mga kawani ng BuCor, na patas na pinaiiral sa loob ng secured areas, kabilang ang quarantine area na nasa loob ng Reception and Diagnostic Center.
Ang reaksyon ay ukol umano sa walang batayan at malisyosong ulat na may 2 lalaking Chinese looking ang bumisita kay Guo.

