BINUKSAN na sa publiko ang Taguig Lakeshore Carnival matapos ang pagpapailaw sa buong parke at higanteng Christmas Tree nitong Sabado ng gabi.
“Ang ugat ng parkeng ito ay pag-ibig ngunit natatangi dahil para ito sa kabataan,” pahayag ni Taguig Mayor Lani Cayetano matapos ang makulay na pagbubukas ng parke na sinabayan ng fireworks display.
Sinabi ng alkalde, matayog at solido kung mangarap ang mga bata na tila lahat ay kaya nilang abutin kaya’ t nararapat aniyang mapasa-atin araw-araw ang puso ng isang bata.
“Truly I tell you, unless you change and become like little children, you will never enter the kingdom of of heaven,” pagbabahagi ni Cayetano na kanyang hinalaw sa isang bersekulo sa bibliya mula sa Matthew 18:3.
Binigyang diin ni Mayora Lanie na ginawa ang naturang parke upang libreng pasyalan ng bawat Taguigeno at maging ng mga nagnanais na dumayo sa kanilang probinsiyudad.
Naniniwala naman ang Mister ng alkalde na si Senator Alan Peter Cayetano na ang pagbubukas ng parke na sinalubong ng pagbuhos ng ulan ay patunay na pagkakaroon ng mas marami pang pagpapala.

