Dinakip ng Taguig City police ang isang mag-ina na umanoy magkasabwat sa online exploitation sa mga menor de edad kabilang ang kanyang anak sa isinagawang entrapment at rescue operation sa Taguig City.
Ayon sa ulat ni Taguig CPS Officer-in-Charge,P/Colonel Byron Allatog, sina alyas “Hazel”, 42; at “Joylyn”, 19, residente ng Calzada-Tipas, Taguig City, ay nakakulong na habang inihahanda ang isasampang reklamong paglabag sa Republic Act 9208 (Anti-Trafficking in Persons Act of 2003), nainamyendahan ng RA 10364, RA 11862, RA 11930 (Anti-Online Sexual Abuse or Exploitation of Children and Anti-Child Sexual Abuse or Exploitation MaterialsAct).
Gabi ng Miyerkules ng alas 10:20 ng Setyembre 3, nang isagawa ang operasyon sa bahay ng mga suspek kung saan nailigtas ang pitong (7) menor de edad.
Natuklasan ang ginagawa ng mag-ina nang isa sa biktima ang nagkwento sa kanyang guro na agad ipinaalam naman sa pulisya.
Matapos ang validation at koordinasyon sa Women and Children Protection Desk (WCPD), nakumpirma sa operasyon ang iligal na gawain nang makuha ang mga hubad na larawan at video online ng mga batang may edad 3-17.
Nakumpiska rin ang ilang sexual gadgets at cellphone na ginamit sa online sexual exploitation.
Kasama ng kapulisan ang City Social Welfare and Development Office (CSWDO) para kumilos bilang pansamantalang tagapag-alaga, pinadali ang medico-legal na eksaminasyon at medikal na pagsusuri, at nagbigay ng kagyat na psycho social intervention.
Nakipag-ugnayan na rin ang lungsod ng Taguig sa child-caring facility kung saan ililipat ang mga biktima para sa pang matagalang rehabilitasyon pagkatapos ng inquest proceedings.
Binatikos naman ni Taguig City Mayor Lani Cayetano ang panibagong kaso ng child exploitation at nangako na walang humpay ang gagawing pagbabantay laban sa child exploitation na katunayan ay nasa 50 menor de edad na ang nailigtas simula noong 2022.
Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na ang ina ng mga biktima ay nagre-record ng malalaswang video ng kanyang mga anak at ibinebenta ito online sa mga dayuhang kliyente sa halagang P2,500 kada transaksyon.
Iniulat na siya ay tinulungan ng kanyang 19-anyos na anak na babae, na pinilit din ang kanyang sariling 3-taong-gulang na anak-apo ng suspek-sa pagsasamantala.

