Ina timbog sa online sexual exploitation sa 5 menor de edad at sa sariling anak

IBINUGAW ng magulang ang limang menor de edad kabilang ang mismong anak sa online sexual exploitation na nailigtas ng National Bureau of Investigation (NBI) matapos iulat mismo ng Facebook at Google, sa lalawigan ng Leyte.

Ayon sa ulat kay NBI Director Jaime Santiago ng NBI-Human Trafficking Division (NBI-HTRAD), 15-anyos na dalagita ang naunang kaso na inireport ng Facebook na may hindi bababa sa 13 pagkakataon na nilalaman sa Child Sexual Abuse and Exploitation Materials (CSAEM) na-upload at naipamahagi sa Messenger.

Ang komunikasyon ay sa pagitan ng isang JP Chase, 41, mula sa Hartselle, Alabama, USA, ng Pilipina na sa huli ay natukoy na ina ng dalagita.

Kaagad nagkasa ng surveillance at nalaman ang lokasyon noong Agosto 26, 2025, na nagresulta sa pagligtas sa biktima na  pansamantalang nasa Ormoc City Social Welfare and Development Office (CSWDO).

Nag-ugat ang ikalawang kaso sa report ng Google at Facebook na may kinalaman din sa CSAEM.

Natunton ng NBI-HTRAD, kasama ang NBI-Eastern Visayas Regional Office (EVRO),noong Setyembre 2 ang target na ina ng biktima na responsable sa pag-upload ng mga video ng kanyang anak sa YouTube at ipinakakalat naman sa pamamagitan ng Facebook Messenger. 

Kabilang rin ang DOJ-National Coordinating Center for OSAEC and CSAEM (DOJ-NCCOSAEC-CSAEM), Intelligence agents ng DOJ-OOC, NBI-Digital  Forensics Laboratory (NBI-DFL), City Social Welfare and Development Office (CSWDO) ng Ormoc City, the Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT), 

Ormoc City Police, at  The Exodus Road Philippines, at mga kinatawan ng nakasasakop na Barangay.

Ang apat na babaeng may edad 3,4, 7 at 8 ay nailigtas at dinala sa Ormoc CSWDO.

Unang nailigtas ang 15 anyos na dalagita na inamin nito na siya ang nasa malalaswang larawan at videos na kuha ng kanyang ina at ama. 

Ang ina lamang ang naaresto dahil wala doon ang ama. Ang mag asawa ay nahaharap sa kasong Republic Act 11930 (Anti-Online Sexual Abuse or Exploitation of Children) at Anti-Child Sexual Abuse or Exploitation Materials (CSAEM) Act” kaugnay sa Section 6 ng RA 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012), RA 9208 (Anti-Trafficking in Persons Act of 2003) na inamyendahan ng 10364 (Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012) at RA 11862 (Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2022), at RA  7610 (Child Abuse Law).

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.