SINALAKAY ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation- Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (NBI-BARMM), sa Cotobato City, ang isang vape store na lantarang nagbebenta ng mga hindi rehistradong produkto.
Ayon sa ulat na nakarating kay NBI Director Jaime Santiago, inaresto ang isang alyas “Jhon Rheven”, sa isang buy-bust operation sa paglabag sa Republic Act 11900 (Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act) at Republic Act 7394 (Consumer Act of the Philippines).
Ang operasyon ay nagsimula sa natanggap na liham ng NBI mula sa Department of Trade and Industry – Office for Special Mandate on Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products, their Devices and Novel Tobacco Products (DTI-OSMV).
Ikinasa agad ang entrapment nang matapos ang surveiilance kung saan nakabili ang mga operatiba ng mga naka-display na mga hndi rehistradong vape products.

