Mga barangay sa Maynila, inabisuhan na tungkol sa koleksiyon ng basura sa lungsod

INABISUHAN na ang mga barangay sa lungsod ng Maynila tungkol sa magiging sitwasyon ng koleksiyon ng basura sa lungsod.

Ayon sa abiso na inilabas ng Manila Department of Public Service (DPS) sa mga barangay, hanggang sa Hunyo 25, 2025 na lamang ang pagkolekta ng basura ng MetroWaste, ang contractor na kinuha ng outgoing mayor.

Sa mga maapektuhan ng hindi pagkolekta ng basura lalo na ang mga residente, pinayuhan sila na hintayin muna ang magiging hakbang ng pamahalaan ng lungsod ng Maynila.

Bagama’t magsasagawa ng dry run ang dating kinuhang kontraktor ng basura na Leonel, ang magiging ruta nila ay mga pangunahing lansangan muna at hindi muna mapapasok ang mga “inner street” o mga looban.

Kapag pormal nang magpalit ang administrasyon, magiging “fully operational” na ang pagkolekta ng basura simula Hulyo 1.

Paalala naman ng Manila DPS na bawal ang pagtatapon ng basura hangga’t wala ang truck at ang mahuhuli ay maaaring mapatawan ng multa na P500 sa unang paglabag, P1,000 sa ikalawang paglabag, at P1,500 o hanggang anim na buwan na pagkakakulong sa ikatlong paglabag.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.