Abogado, naghain ng piyansa kaugnay sa kasong isinampa ng Comelec sa kanya

NAGHAIN na ng piyansa si Atty. Harold Respicio kaugnay sa kasong isinampa rito ng Commission on Elections (Comelec).

Inihain ni Atty. Respicio ang piyansa sa Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 34 para sa dalawang bilang ng kasong isinampa ng Comelec kaugnay sa paglabag sa Cybercrime Prevention Act.

Sinasabing may kaugnayan ang kaso sa di-umano ay naging pahayag ng abogado na kaya niyang manipulahin ang resulta ng halalan.

Sinabi ni Respicio na pirmado na kasi ang warrant sa kanyang kaso kaya nagdesisyon siyang maghain ng piyansa bago pa maipatupad ang warrant.

Nasa P32,000 o kabuuang P64,000 ang piyansa para sa dalawang bilang ng paglabag sa Article 154 ng Revised Penal Code salig sa Section 6 ng Cybercrime Prevention Act.

Nanindigan si Respicio na kapag hindi audited ang software at konektado sa internet ang automated counting machine, hindi maaaring pagkatiwalaan ang resulta ng Comelec.

Si Respicio ay nagwaging kandidato sa pagka-bise alkalde ng Reina Mercedes sa Isabela.

Nauna nang nanindigan ang Comelec na sapat ang mga safeguard nila para maiwasan ang hacking at maproteksyunan ang resulta ng eleksyon. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.