Lalaki dinakip sa panghahalay sa mga anak ng kanyang live in partner sa Laguna

ARESTADO ang isang amain na suspek sa pangmomolestiya sa kanyang biological daughter at 2 stepdaugther sa San Pablo City, Laguna.

Sa sumbong ng mga biktima, minolestiya rin umano ng suspek pati ang apat na taong gulang na babaeng anak noong Marso 31, 2025.

Iniharap sa media ni NBI Director Jimmy Santiago nitong Huwebes ang suspek na di pinangalanan sa proteksyon ng mga menor de edad na biktima.

Noong Marso 31 nang puntahan ang bahay ng suspek kung saan siya inaresto at nailigtas ang paslit na anak na babae ng mga ahente ng NBI-Cavite North District Office (NBI-CAVIDO North), sa San Pablo City.

Isinumbong sa non-government organization (NGO) ng magkapatid na 14 at 19 anyos na babae ang sinapit nang sila ay nakatira pa noong 2023 sa bahay ng suspek at pangmomolestiya din sa paslit na biological daughter na ipinaalam sa NBI-Cavido North.

Ayon sa magkapatid ang kanilang ina ay overseas Filipino worker (OFW) noon sa Kuwait kaya nasa pangangalaga sila ng stepfather.

Sinalbahe ng amain ang mga kapatid na lamasin ang mga dibdib, ipasok ang daliri sa kanilang ari at hinahalay sila habang pinagbabantaan na papatayin ang ina at lola kapag sila ay magsusumbong.

Sinabi din nila na pati ang kapatid na 4 na taong gulang ay hindi ligtas sa pang-aabusong sekswal kapag pinaliliguan.

Kwento pa nila na gumagamit ng iligal na droga ang amain at nangangamba sila kung patuloy na inaabuso pa ang kanilang nakababatang kapatid kaya nagsumbong sa mga otoridad.

Ipinagharap na ng reklamong paglabag sa Republic Act  8353 (Anti-Rape Law), RA 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act), at RA 9208,  (as amended by RA 10364 -Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012) sa inquest prosecutor ng San Pablo City, Laguna.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.