328 dagdag na bagong corrections officer ng BuCor

PINANUMPA ni Bureau of Corrections Director General Gregorio Pio Catapang Jr. ang 328 bagong corrections officers na idadagdag sa mga pasilidad ng BuCor matapos ang seremonya ng panunumpa sa Corrections National Training Institute (CNTI) Parade Ground sa loob ng compound ng New Bilibid Prisons (NBP) nitong nakalipas na Biyernes sa Muntinlupa City.

Pinangasiwaan ni Catapang  ang oath taking ng bagong recruit  na nagtapos ng Corrections Officer Custodial Basic Course (COCBC) graduating Class 2024-02 DASIG Tikas, o “Disiplinadong Aksyon na may Sinsiridad at Integridad Gabay sa Tungkulin ng Institusyong Koreksyon at Alay sa Sambayanan – para sa Bagong Pilipinas.”

Bahagi ang 328 ng kabuuang 1,008 graduates ng COCB sa unang quarter ng 2025 bureau wide sa pamamagitan ng decentralization training program sa iba’t ibang Operating Prisons and Penal Farms (OPPF).

Maliban pa rito, ang Iwahig Prison and Penal Farm ay nagsagawa ng kanilang graduation noong Pebrero 7 na may 188 na nagtapos. 

Idinaos ng Sablayan Prison and Penal Farm  matapos ang tatlong araw ang kanilang graduation kasama ang 77 graduates.

Nagsagawa noong Marso 7 ang Leyte Regional Prison at San Ramon Prison and Penal Farm ng kanilang graduation rites na may 128 at 92 na nagtapos, ayon sa pagkakasunod, habang ang Davao Prison at Penal Farm ay nakatakda ang kanilang graduation rites sa Marso 24 para sa 195 COBC trainees.

Ang COCBC Class 2024-02 “DASIG-TIKAS” ay sumailalim sa anim na buwang in-house na pagsasanay na kinabibilangan ng propesyonalismo ng militar, mahigpit na pisikal na pagkondisyon, kasanayan sa baril, mga taktika sa pagtatanggol sa sarili, mga akademikong lektura, at mga karanasan sa trabaho.

Batay kay CNTI CSupt. Lucio Guevarra, kabaligtaran sa nakaraang batch kung saan ang mga pangunahing kaganapan ng kurso ay kailangang gawin nang sabay-sabay sa lahat ng OPPF, sa pagkakataong ito ang Local CNTI Units, na pinamumunuan ng kanilang mga kaukulang Course Supervisor, ay nabigyan ng kalayaan sa kanilang sariling bilis, na nagresulta sa iba’t ibang haba ng panahon ng pagsasanay at petsa ng mga seremonya ng pagtatapos.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.