Mahigit 200 bahay sa tabi ng dagat sa Tondo, Maynila nilamon ng apoy

TINUPOK ng malaking apoy ang mga bahay sa Isla Puting Bato sa Tondo, Maynila kaninang umaga.

Nagsimula ang sunog pasado alas 8 ng umaga na tumagal ng ilang oras dahil pawang mga gawa sa light materials ang mga bahay na karamihan ay barong-barong.

Dahil sa lawak ng sunog, naging katuwang ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa pagresponde at pag-apula sa sunog ang Philippine Red Cross (PRC) na nagpadala din ng sariling firetruck at ambulansya.

Tumugon din ang Philippine Coast Guard at Special Operations Unit (SOU)- Malakanyang, Philippine Air Force kung saan nagpadala ng dalawang air asset o ang kanilang 505th Tactical helicopter.

Katuwang din sa pagbibigay ng tulong sa mga residente ang Manila Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) kung saan may sarili din na ambulansya na naka-standby.

Ang BFP ay nagpadala din ng apat na fire boat na bumubuga ng tubig mula sa Manila Bay.

Sa inisyal na tala ng BFP, nasa mahigit 200 bahay ang tinupok ng apoy at nasa mahigit 1,000 residente ang nawalan ng tirahan.

Habang isinisulat ang report na ito ay nasa “Fire under Control” status na ang sunog.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.