TUMULAK nang Naga City ang 14-man MDRRMO rescue team dala ang mobile water filtration system , dalawang ‘Ondoy’ rescue boats, dalawang rescue trucks, at transporter truck upang tumulong sa mga naapektuhan ng bagyong Kristine.
Nakipag-ugnayan ang pamahalaang lungsod ng Maynila at Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa mga opisyal ng Naga City bayanihan effort ng Maynila para sa Naga City.
“Help is coming,” ayon kay Manila Mayor Honey Lacuna.
“Tinitiyak ko pong handang handa pa rin po ang Maynila at sapat ang ating pwersa para tugunan ang anumang kakailanganin ng ating Lungsod na may kinalaman sa anumang bagyo o sakuna kahit pa may rescue and emergency team tayong ipapadala sa Bicol” sabi ni Lacuna.
Umalis ang MDRRMO team sa Maynila nitong Huwebes ng hapon.

