Mga dayuhang nagtangkang pumasok sa bansa ng walang immigration clearance, dinakip ng PCG sa Zamboanga City

APAT na Indian at Isang Malaysian ang dinakip ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) Coast Guard District Southwestern Mindanao (CGDSWM), kasama ang iba pang ahensiya ng gobyerno, dahil sa pagtatangka ng mga ito na pumasok sa bansa ng walang tamang immigration clearance sa Zamboanga City.

Nadiskubre ng PCG kasama ng PNP-Maritime Group (PNP-MG) at Bureau of Immigration (BI), na pumasok sa “back door” ang limang mga dayuhan mula Malaysia patungong  Bongao, Tawi-Tawi, gamit ang isang speed boat saka lumipat sa isang commercial passenger-cargo vessel na MV Trisha Kerstin 2 na patungong Zamboanga City.

Sa beripikasyon ng BI Intelligence Unit, ang mga dayuhan ay kabilang sa “watchlist of blacklisted nationals” noong 2004, 2016, at 2024. 

Sinabi ng CGDSWM na kakasuhan ang mga dayuhan ng paglabag sa Commonwealth Act No. 613 o ang The Philippine Immigration Act, partikular sa Section 37 E. 

Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng BI para sa tamang disposisyon at pagpa-file ng kaukulang kaso ang mga naarestong dayuhan. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.