Mataas na bilang ng botante na boboto sa “internet voting,” inaasahan ng Comelec

INAASAHAN ng Commission on Elections (Comelec) na makakamit ang 70 hanggang 80 porsiyentong overseas voter turnout sa pilot implementation ng internet voting sa darating na 2025 midterm polls.

Magiging malaking pagtalon ito mula sa 38 porsyento na overseas voters’ turnout noong 2022, kung saan humigit-kumulang 600,000 lamang sa mga 1.6 milyong rehistradong botante sa ibang bansa ang bumoto.

That was the highest in overseas voting history. But that remains low when compared to local voter turnout. This is why we want to increase this through internet voting,” sabi ni Comelec spokesperson Atty. John Rex Laudiangco.

Umaasa rin ang Comelec na magkaroon ng katulad na turnout gaya ng mga local elections kung saan nagkaroon  ng 84 porsiyentong turnout noong nakaraang halalan.

Ayon kay Laudiangco, ang Online Voting and Counting System (OVCs) ay hindi na kinakailangan para sa mga Filipino sa abroad na personal na nagtungo sa Philippine posts o nag-mail ng kanilang balota.

They can cast their votes at the convenience of their home, workplace, sailors at sea, as long as they have internet connection and enrolled devices,” sabi ni Laudiangco .

Idineklara ng Comelec Special Bids and Awards Committee (SBAC) ang joint venture (JV) ng SMS Global Technologies, Inc. at Sequent Tech Inc. bilang may pinakamababang Lowest Calculated Bid (LCB) para sa OVCS na P112 milyon. 

Ang proyekto ay may aprubadong badyet na P465.8 milyon.

Samantala, ipinakita noong Huwebes ng SMS-Sequent JV ang internet voting system nito bago ang SBAC sa panahon ng post-qualification evaluation. 

Sinabi ni Laudiangco na tinitingnan ng SBAC na matapos ang post-qualification evaluation ngayong buwan.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.