Italyanong “pedophile,” timbog sa mga ahente ng BI

INARESTO ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Italian national na wanted ng mga awtoridad sa Roma dahil sa panggagahasa at pang-aabuso sa isang menor-de-edad may 12 taon na ang nakakaraan.

 Kinilala  ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang wanted na si Stefano Todeschini, 57 anyos, na inaresto ng BI Fugitive Search Unit (FSU) sa Cebu City.

Si Todeschini ay inaresto sa bisa ng isang mission order na inisyu ni Tansingco base sa kahilingan ng Italian Embassy sa Maynila upang maipa-deport ito at para harapin ang kanyang kaso.

Sinabi ng BI chief na ang Italian ay kasama sa Interpol Red Notice na nagresulta sa pag-isyu ng arrest warrant ng isang korte sa Vicenza, Italy.

Si Todeschini  ay kinasuhan ng korte dahil sa kasong  panggagahasa  at pang-aabuso sa isang menor de edad na isang paglabag sa Italian penal code.

Bukod pa dito, maituturing ng undocumented na ito at ang Italian passport nito ay paso na noong pang 2017.

This should serve as another warning to foreign criminals that the long arm of the law will catch them wherever they might hide,” ayon sa BI Chief.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.