INAASAM ng pamahalaang lungsod ng Maynila na maging “zero rabies” ang lungsod bago matapos ang taong ito at “zero stray animals” naman pagdating ng 2027.
Ayon kay Dr. Nicanor Santos, hepe ng Manila Veterinary Inspection Board, may paparating nang pet machine o pet incinerator na siyang magsisilbing pet crematorium sa Vitas, Tondo.
Ito ang kanyang naging pahayag kasabay ng pagbubukas ng satellite clinic sa Dapitan Sports Complex, na susundan naman ng itatayo ding clinic sa San Andres Sports Complex.
Ang pagtatayo ng mga pasilidad na ito ay bunga ng pagtutulungan nina Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan at Manila 5th District Representative Irwin Tieng.
Pinasalamatan naman ni Lacuna si Rep. Tieng dahil sa tuloy tuloy nitong pagtulong, hindi lamang sa mga residente ng kanyang distrito na pinaglilingkuran kundi sa lahat ng residente ng Maynila.

