Biktima ng ‘EJK’: ‘Pugot na ulo’ nadiskubre sa isang ice box sa Maynila

Nagulantang ang ilang mga residente sa Sta Cruz sa Maynila matapos mapag alamang may itinapon na isang pugot na ulo ng tao sa kanilang lugar.

Ang pugot na ulo ng isang lalaki ay ipinaloob sa isang ice box na siyang nadiskubre naman ng dalawang tricycle driver sa lugar.

Ayon sa Meisic Police Station, nakita ng dalawang tricycle driver ang ice box sa bahagi ng Florentino Torres Street corner Soler Street sa Sta. Cruz bago mag-12:00 ng hatinggabi ng Biyernes.

Nang buksan ang ice box ay dito nagulantang sila ng makitang pugot na ulo ang laman nito.

Habang patungo ng Gandara Police Community Precinct ang dalawa para ireport ang natuklasan ay may nakasalubong na silang mga pulis na agad rumesponde sa lugar.

Wala pang pagkakakilanlan ang biktima na sinasabing biktima ng Extra Judicial Killing o EJK, na dinala sa isang punerarya.

Samantala nakunan naman ng CCTV ang sinasabing motorcycle rider na siyang nagtapon ng ice box sa lugar na ngayon ay iniimbestigahan na ng pulisya.  

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.