Davao Oriental, niyanig ng magnitude 5 na lindol

Share this information:

Nasa magnitude 5 na lindol ang yumanig sa rehiyon ng Davao Oriental, Sabado ng umaga.

Batay sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Philvocs), tumama ang lindol sa layong 54 kilometro sa Timog-Silangan ng Governor Generoso dakong 11:25 ng umaga.

Nasa 118 kilometro ang lalim nito at tectonic ang origin.

Dahil sa lakas ng pagtama ng lindol ay naramdaman ang mga sumusunod na instrumental intensities:

Intensity 2 – Tupi, South Cotabato; General Santos City; Alabel, Sarangani

Intensity 1 – Kiamba, Sarangani; Koronadal City

Wala namang napaulat na pinsala sa Governor Generoso at mga karatig-bayan.

Ngunit babala ng Phivolcs, posibleng makaranas ng maraming aftershocks sa susunod na mga oras at araw.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.