People’s Initiative hindi hadlang sa 2025 elections – Comelec

TINIYAK ng Commission on Elections (Comelec) na hindi maapektuhan ang 2025 midterm elections sakaling maantala o alanganin ang paghahain ng petisyon ng mga nagsusulong ng People’s Initiative.

Ipinahayag ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na hindi sila papayag na masakripisyo ang kanilang preparasyon ng 2025 elections.

“Kung sa palagay ng proponents na importante ang ginagawa nila eh mas palagay namin mas importante ang ginagawa naming para sa 2025 elections sapagkat ‘yun mismo nakalagay sa Saligang Batas — labindalawang (12) senador po yun,” pahayag ni Garcia.

Lagi rin aniyang tandaan na ang eleksyon ay pagkakataon ng mga botante na baguhin ang kanilang mga pinuno o magbigay ng suporta sa kanilang nanunungkulan na pinuno para ulitin ang ibinibigay nila na tiwala sa kanila.

Binigyan diin ni Garcia na sa lahat ng anumang dahilan ay uunahin pa rin ng Comelec ang 2025 elections sa lahat ng mga ginagawa ng ahensiya dahil ito ay napakahalaga.

“At all cause una yung 2025 elections sa lahat ng ginagawa natin. Nag-file sila, gagawa at gagawa kami ng paraan, hindi maapektuhan ang 2025 elections.”

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.