Maynila, tiniyak ang kahandaan nito para sa pagdaraos ng Traslacion 2024

TINIYAK ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang kahandaan ng siyudad para sa darating na Traslacion ng Itim na Nazareno sa Martes, Enero 9, 2024.

Ang pagtitiyak ay ginawa ni Manila Mayor Honey Lacuna sa isang pulong balitaan ng NAZARENO 2024 kasama ang ilang miyembro ng mga komite para sa gaganaping Traslacion.

Upang mas matiyak ang kaligtasan ng mga deboto, magpapakalat ang lokal na pamahalaan ng 12 ambulansya mula sa Manila Disaster Risk Reduction Management Office o MDRRMO.

Sa panig ng LGU, hangdang-handa na lalo na patungkol sa kaligtasan, sa seguridad at kalusugan ng mga kababayang taga Maynila at mga dadayo,” saad ni Lacuna.

Sa kabila nito, mahigpit ang pakiusap ni Lacuna sa mga deboto na makipag-tulungan para maiwasan ang surge ng COVID-19 at sumunod sa ipatutupad na health protocols para sa kaligtasan ng lahat at upang maging tuloy-tuloy ang pagdaraos ng Traslacion 2024.

Samantala, dahil nataon din na First Friday bukas, Enero 5, siniguro din ni Lacuna na magiging maayos ang daloy ng mga deboto na dadalo ng Misa sa Quiapo Church ilang araw bago ang pista sa Martes.

Magiging katuwang din ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang ilang ahensya ng gobyerno sa pagpapatupad ng seguridad. Kabilang dito ang Philippine Coast Guard na nakabantay sa Pasig River at Manila Bay, Philippine National Police, National Intelligence Coordinating Council, at iba pa.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.