Communications teams ng MARINA sa buong bansa, mas pinalakas pa

NAGSAGAWA kamakailan ang Maritime Industry Authority (MARINA) ng kauna-unahan nitong Digital Media and Strategic Communications Workshop, na ginanap mula ika-17 hanggang 19 ng Oktubre 2023.

Layunin ng nasabing aktibidad na masiguro na ang mensahe ng MARINA ay epektibong maipararating sa buong industriya ng maritima, at upang pag-ibayuhin din ang kasanayan ng mga tauhan ng MARINA sa pagbuo ng mga communication campaign, pagsulat ng mga press releases o short-form content para sa social media, maging ang paggawa ng visual collaterals na makatutulong sa pagsulong ng mga polisiya at proyekto ng nasabing ahensya.

Inaasahan din na sa pagpapalakas ng communications teams ng ahensiya, mas maipapaliwanag sa mga stakeholder ng MARINA ang mga proseso, at mga plano para sa sektor, partikular na ang implementasyon ng updated Maritime Industry Development Plan o MIDP 2028.

Ayon kay Deputy Administrator for Operations, Engr. Nannette Villamor-Dinopol, ang tagumpay ng pagpapatupad ng MIDP 2028 ay lubos na nakasalalay sa epektibong komunikasyon. “Our contributions will not only enhance MARINA but also empower us to shape the future of the maritime industry, a future that aligns with the aspirations of the MIDP 2028,” dagdag pa nito.

Samantala, para sa direktor ng Planning and Policy Service-Public Affairs and Digital Media Office (PPS-PADMO) na si Luisito Delos Santos, ang nasabing workshop ay makatutulong hindi lamang sa MARINA kundi sa buong sektor ng maritima dahil mas magiging epektibo ang komunikasyon at koordinasyon sa pagitan ng MARINA at ng mga sektor na konektado sa maritime industry.

Ilan sa mga naging resource speaker ng nasabing workshop sina Manila Times maritime journalist, Yashika Torib; filmmaker, video editor, at propesor Adrian Arcega; award-winning international photographer Architect Jun Pagalilauan; political and social media influencer Mark Lopez; at graphic artist na si Paul Abejero.

Ang nasabing inisyatibo ay inorganisa ng MARINA-PADMO.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.